deep thoughts

kunwari deep... but in reality, kung ano lang pumasok sa isip ko at the time na pwede ko ma-access ito.. =D

Monday, March 06, 2006


ang gumamela...


nitong mga nakaraang araw, napapasin ko sa harap ng bahay namin ang gumamela... pag daytime, nakabuka ang gumamela.. tapos sa gabi, sumasara sya.. buks makalawa, mahuhulog na lang sya at ibang gumamela na ang tutubo sa kabilang sanga... naiisip ko na nga siya picture-an kaso nga lang lagi kong di dala ang fone ko pag nakikita ko si gumamela...

tapos kagabi, nakita ni toleds yung gumamela.. sabi nya picture-an ko daw...sabi ko, madilim na at naka tiklop na sya... bukas, mahuhulog na yung gumamelang yun.. may isang patubo sa kabilang sanga... tama ang aking observations, nahulog na nga yung gumamelang tinutukoy ni toleds, at bumuka na nga yung sinabi ko...

ano ngayon? wala lang... hehehe.. ganyan nga yata pag maghapon k lang sa bahay.. kung ano ano napapansin mo... hehehe...

pero naisip ko, pwede din palang i-relate ang gumamela sa buhay ng isang tao... minsan, ang saya-saya.. ang sarap ng buhay.. at the same time, nakakapagbigay ka ng saya sa iba... pero pag gabi, kelangang magpahinga.. tapos, after some time, napapagod din ang tao at nawawala ang saya.. dahil nabibigyan ng problema... pero it doesnt mean tapos na ang mga maliligayang araw.. kasi bukas makalawa, may bubukang bagong gumamela, kung saan sasaya din ang tao...

kaya lesson from gumamela, wag mawalan ng pag-asa, dahil inspite of those downfalls, may magandang mga pangyayari ang naghihintay... just be patient... God works in mysterious ways talaga... =)

hehehe... halata bang wala na naman akong magawa?! =D

1 Comments:

Blogger gfbaby said...

wow kosa.. ang deep mo naman... nang dahil lang sa gumamela yan ha... pero nice lesson learned :)

12:44 AM  

Post a Comment

<< Home